Hay Life…

Minsan, ay hindi pala, madalas… iniisip ko sana hindi na lang ako ipinanganak sa mundo at hindi ako nahihirapan sa math 17, at hindi ako namumuhi sa crs, at hindi ako nababadtrip sa mga tao, at hindi ako naiinis sa mga namumuno sa bansa.

Pero madalas, naiisip ko rin na, kung hindi ako nabuhay… hindi ko makikita ang Masci at ang Paco park, hindi ko makikilala ang KADA at ang Linnae at ang paradey at ang Lavo at ang watson, hindi ko masisilayan ang mala anghel na mukha ni atom, hindi ko mararanasan na ilibre ni lenlen at ni austine at ni james at ni kuya neil, hindi ko makikita si Oble, hindi ko mararanasan ang lumangoy sa isang beach sa batangas, hindi ko mahahawakan ang fog, hindi ako makakapantrip ng mga nilalang, hindi ko mauuto ang mga kapatid ko, hindi ko matitikman ang masarap na luto sa bahay, hindi ko marerealize na the sky is blue and the sea is green… grabe ang dami ko palang mami miss kung hindi ako nabuhay.

Kaya sige na nga. Swerte pa rin talaga ako at nabuhay ako. tenk yu sa mga magulang ko at kay God. dahil sa kanila, nasilayan ko ang mundo. naranasan ko ang mga hindi naranasan ng iba. at higit sa lahat, naramdaman ko kung paano ang magmahal at mahalin, at masaktan.

Oh Yeah! I Lab my Layp now. =)

Leave a Reply