After Twenty Years…

Aba, aba!

Ngayon ko na lang ulet nabuksan tong blag ko. Grabe, kawawa naman siya, inaanay na. sabi siguro ng blag ko-

"langya kase ‘tong si zarah eh, aral ng aral kaya hindi na ako ina-update."

ang sagot ko naman-

"siyempre naman, mas mahalaga ang pag-aaral kesa ang pag-bablag,"

"aba, nais ko yatang makauno sa lahat ng subject ko. kaya hayon, nag-aaral ako nang mabuti.  eto nga at finals ko sa math 17 bukas, pero andito ako sa torecs at nag-iinternet. "

"kaya nga dahil dyan, natupad na ang pangarap ko. nakakuha ako ng limang uno. pero sa isang subject lang nga lahat yon. bale suma total, singko ung grade ko."

"o di ba ayuz?"

sagot naman ng blag ko-

"sige na nga. ayuz na amo."

woohoo! amo pala ako ng blag ko eh!

PAK. ano ba ‘tong nangyayari saken? para akong tanga na kinakausap ung blag ko. siguro un talaga ung epekto pag ang mga subject mo next sem ay:

                  

                     limang madurugong oras ng CHEM 16 (twice a week)

                 limang nakamamatay na oras ng EEE11 (twice a week ren)

                   >>>  2 out of 50 lang daw nakakapasa sa subject na ito

                

             dalawang nakababatong oras ng EEE31(eto once a week lang)

                         >>> eto di ko alam kung me nakakapasa dito

             

        at siempre pa, 1 hour and 15 mins ng napakasayang MATH 53

                             >>> eto araw-araw. ohhlala!

pero dahil mababait ang mga taga engineering at  mahal nila ang kanilang mga estudyante, binigyan nila kami ng isang pagkakataon para sumaya. kaya may pahabol pa-

                        Isang  nakakagiliw na buong oras ng pag-aaral ng

                                 PANITIKANG PILIPINO  19

                            >>> maganda to pramis. konti lang requirements.

                              wholesome pa.  kelangan nio lang mgbasa ng XEREX

                       araw-araw. tapos kelangan nio ren gumawa ng sariling story na

                                      parang XEREX den. o di ba ang saya?

basta pa di malalaman ng tatay ko kung anu-ano pinag-aaralan ko sa U.P. eh.

Leave a Reply