Archive for September, 2005

PAK CHEERING!!!

Saturday, September 17th, 2005

AYUZ! Kase nakapanood ako ng CHEERING COMPETITION kanina sa Araneta kahit GEN AD lang. Salamat kay ANGELINE. Mabuhay ka!

DI AYUZ! Kase matapos akong makipagsiksikan sa mga taga NU kanina nung unang salpak ko sa loob ng Araneta, at matapos akong buong lakas at tapang na nakisabay sa cheering ng UP kahit na puro mga nakadilaw ung mga katabi ko eh, ala SECOND PLACE lamang ang ating napakagaling na UP PEP SQUAD.

Hindi naman sa naaasar ako. NAGBI-BITTER lang. Pano ba naman USTE ang nag champion. Well, hindi naman kasalanan ng USTE kung bat sila nanalo- kase hinde naman sila deserving manalo (as a champion), siguro third place pwede pa. OO, MAGALING sila. Given na yon. Pero ung performance nila kanina ay hinde pang FIRST PLACE! Mas magaling pa nga FEU sa kanila . Wala naman silang bagong ginawa . Nagkamali pa nga sila eh. (well, UP rin naman nagkamali nung una). Pero at least bumawi ang PEYUPS dahil ASTIG TALAGA ung mga bago nilang routine at stunts, lalo na ung reggae. SIGA!

Pero ang ikinaiinis ko lamang ay porke ba sila ang CHAMPION nung mga nakaraang taon ay parang naapektuhan na ung pag-iisip ng mga judges. Tingin ko lamang ay unfair para sa mga ibang teams na hindi mo naman maitatanggi na meron ding ibubuga. Kaso nga lang, bukod sa kulang ng suporta mula sa kanilang mga schoolmates, parang nalagay na rin sa utak ng mga tao na tanging UP at USTE lamang ang maaaring maglaban for CHAMPIONSHIP.

WELL, yun ay opinyon ko lamang. Basta UP pa ren ako kahit anong mangyari.

GO UP GO!
UP FIGHT!

OYE-OYE-O!

Saturday, September 10th, 2005

Gto1 napagtanto ko na masyado palang makulay ang aking last post. at ngayon ay alam ko na ang dahilan — dahil makulay ang aking buhay ngayon sapagkat im in love! oh yeah ako’y umiibig na ngang tunay sa isang guapong guro na nagngangalang Eikichi Onizuka.

NEWSFLASH:

Saturday, September 10th, 2005

N A N A L O  K A M I  kanina sa interclass!!!*

Ang saya-saya talaga dahil pasok na kami sa FINAL FOUR!** ORANGE team nga pala kami at ang nakalaban namin kanina ay ang LIGHT bLUE team na tinambakan lang naman namin sa iskor na 16-27.***  ang galing-galing talaga ng ORANGE team !!!

*  hindi ako naglaro kanina

**  lima lamang ang teams na naglalaban

*** hindi ko talaga alam kung ano ung final score pero pagpasok ko nung third quarter ay    12-  21 na ung score

P.S. eto nga pala ang aming cheer:

             On three, two, one, go! 

     PONKAN NA PONKAN!!!

bakit kaya ponkan? =)

hainaku

Friday, September 9th, 2005

ngayon ay nasa torecs ako. nagiinternet habang binabasa ang mga notes ko sa bio na naka save sa cdr. (sosyal! naka cdr pa!). eh pano ba naman hindi ilalagay sa cdr eh hindi naman kasya sa diskette ung notes.

grabe talaga! nakakagulantang na tunay ang tumambad sa aking mga magagandang mata. ang inaasahan ko, mga 20 pages lang ung notes. anak ni dugong! naka powerpoint format pala at mga 300 slides ang total niya. kaya nga ako nandito sa mapayapang parte ng maynila dahil binalak ko pa man din sana siyang ipaprint.

ang hirap talaga nang alang computer. pero dahil resourceful ako magbabasa na lang ako ng libro. at dahil nga matalino ako, aalalahanin ko na lamang uli ang mga masasayang araw ko sa piling ni mam cartesiano at masasagutan ko na ang makabagbag dadamdaming tanong ng aming prof na "who can illustrate and explain the whole process of sex evolution?"  illustrate daw oh! sir talaga. tsktsktsk.

anyweiz, kakatapos lang ng ES1 3rd long exam ko ngayon and guess what? nag improved na ako ng husto! hindi naman sa pagmamayabang pero ang laki talaga ng development na naganap sa akin kanina. kung dati ay 50 percent lamang , ngayon ay nasisigurado kong hundred percent na ng exam ang nasagutan ko ng buong pagtitiwala sa mga itinuro sa akin ni madam auring! grabe sure bucks na ko sa finals!*

*those who got an average of 60% in three long exams are exempted in the final exam

Alone

Saturday, September 3rd, 2005

It was nearly dusk when I entered the private room small enough to occupy only a rickety bed and a wooden chair. A narrow line of weak light was gleaming through its window pane. I sat on the chair by the bedside and slowly, I began to caress the coarse white blanket covering its mattress. Its fabric was sewn with long, overlying stitches and a broken thread was hanging down along one edge of the cloth. The white coating of its metal rail was scraped off in some places that traces of rust became visible along one particular side. There was only one pillow and just like the covered sheet, an amount of thread stroke across its side. I followed my gazed around the bare walls of that small room and my eyes were fixed upon the crucifix nailed just above the old bed. I have never seen Christ so close before. He was no longer clad in colorful robes like I used to see him in some churches. He was pale and looked very weary; his body covered with bruises, and his hands and feet pricked with nails. I looked at his graven image for quite a long time until darkness started to pervade the entire room.

Outside, through the window, I saw the moon — half of it hiding from the clouds, the other half glowing gently down the room. I looked at the crucifix again but now as seen against the pale moonlight, I only saw the silhouette of that compassionate being.