halina at tuklasin ang iba’t-ibang tinig ng bawat pinoy ukol sa isyung kanakaharap ng ating pangulo ngayon-
1. para sa mga tambay sa may lualhati:
" &*$ @^!!^8 % 05!!! ka Gloria!
Umalis ka na dyan sa pwesto mo!
Alis !!! "
2.para sa magtitinda ng balut habang nakiki-rally sa makati:
"GOLORIYA!!! ALIS! BILIS!!!….PEENOYY,BAALUUUT!!!"
3.para sa tumataya ng karera kina mang pepe:
"&%^35**(& !!! talo na naman ako! langyang Gloria yan!
salot sa lipunan!!!"
4. para kay Susan Roces:
"You stole the presidency not once but twice!!!"
5.para sa isang nilalang na di ko kilala:
"di dapat mag-resign si gloria sa pagka-presidente….kelan ba siya naging pangulo ng pilipinas?"
6.para sa nagtitinda ng daing sa palengke:
"paalisin na yan si gloria, si davide na lang ipalit!"
7. para sa tatay ko:
"di nila mapapaalis si gloria hangga’t nasa likod nia si ramos."
8. para sa nanay ko:
" ‘di ba mas matangkad naman ako ke gloria? at mas maganda pa. "
9.para sa kapatid kong malaki sukdulan ang galit kay gloria:
"ayaw niang mag-resign ah! sapak gusto nia ! ninja yata ako!"
10. at para sa aken:
"bad trip ung ES1 kanina. Ang hirap nung test. Lalo na ung multiview. ‘di nga ako nag-almusal eh kaya tingin ko sa mga isometric eh hamburger na hinati-hati sa mga planes. after mga 3 hours natapos den ung test. mag-aala-una na yata ng hapon. sobrang gutom na ako. pakiramdam ko nga nun ah ala na kong stomach. dinigest na nung acid sa tiyan ko dahil alang pagkain na mabebreak-down. sa sobrang gutom ko, dagdag pa ung sakit ng ulo na bunga nung exam namen, ninais kong dumiretso muna ke ate kikiam sa may tapat ng Melchor Hall para kumain sandali. naknangtokwa. pagbaba ko pa lang ng eng’g steps, nakita ko na agad ung pwesto ni ate, pero ala sia, ala ren ung kikiam nia, andun lang ung upuan, nakapatong sa mesa.tsktskstsk. pesteng buhay to oh!mamamatay na ko sa gutom! dun ko naisip na baka ala talaga si ate. di nagtinda…baka naman di pinatinda…eh ala una na ng hapon, dapat andun sia. dun ko naisip ung letseng eviction of u.p. manininda na bunga ng pagbawas ng ating presidente sa budget ng unibersidad ng pilipinas. naknangtokwa nanaman. ala kaseng magawang matino eh. dinaya na nga ang masa, dinaya pa ang mga estudyante, no ba yan gloring?……Waaahhh gutom na ko, kung anu ano na naiisip ko. kain na kaya ako.tingin mo? "
11. para sa…teka ala na palang pang eleven kase kumain na si zarah eh. ala nang magta-tayp nung susunod.